Mahigit 4,500 katao ang apektado ni Betty sa ngayon — NDRRMC

0
46

May kabuuang 4,552 indibidwal o 1,170 pamilya sa Western Visayas at Cordillera ang inilikas dahil sa Bagyong Betty, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes.
Sa ulat nitong alas-8 ng umaga, sinabi ng NDRRMC na 3,692 katao o 947 pamilya ang nananatili sa loob ng 22 evacuation centers, habang 525 katao o 131 pamilya ang nakasilong sa ibang lugar.
May kabuuang 4,831 ang preemptively evacuated sa Central Luzon, Mimaropa, at Western Visayas.
Tatlumpung domestic flights ang kinansela sa National Capital Region at siyam na seaport ang non-operational sa Calabarzon at Western Visayas.
May kabuuang 109 na klase at 67 na iskedyul ng trabaho ang nasuspinde dahil sa bagyo.
Naibigay na ang tulong na nagkakahalaga ng P927,000 sa mga biktima, ayon sa NDRRMC.
Sa kanilang 11 a.m. advisory, sinabi ng state weather bureau PAGASA na nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
Batanes
ang hilagang-silangan na bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga) kasama ang Babuyan Islands
Samantala, itinaas ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Ang natitirang bahagi ng mainland Cagayan
Isabela
Apayao
Ilocos Norte
Abra
Kalinga
Mountain Province
Ifugao
ang hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler)
Quirino
ang hilagang-silangan na bahagi ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Solano, Bagabag, Diadi, Villaverde, Bayombong, Ambaguio)
ang hilagang bahagi ng Catanduanes (Caramoran, Viga, Gigmoto, Panganiban, Bagamanoc, Pandan)
ang hilagang-silangan na bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Lagonoy, Tinambac, Siruma)
Pollilo Islands
ang hilagang bahagi ng Camarines Norte (Vinzons, Paracale, Jose Panganiban, Capalonga, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)
ang hilaga at gitnang bahagi ng Ilocos Sur (Gregorio del Pilar, Magsingal, San Esteban, Banayoyo, Cervantes, Burgos, Santiago, San Vicente, Santa Catalina, Lidlidda, Nagbukel, Sinait, Sigay, San Ildefonso, Galimuyod, Quirino, Lungsod ng Vigan , San Emilio, Cabugao, Caoayan, San Juan, Santa, Bantay, Santo Domingo, Santa Maria, Narvacan, Salcedo, City of Candon)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here